DETENSYON
Ang immigration detention ay maaaring sanhi ng mga raid, pag-aresto, o pagiging naroroon sa maling lugar at oras.
Una, tandaan na kahit hindi kayo kriminal, maaari kayong i-detain ng pulisya sa imigrasyon (ICE). Kung sa tingin ng ICE ay nasa bansa kayo sa ilegal na paraan, sapat na batayan na iyon para i-detain nila kayo, at maghahanap sila ng katibayan para tiyakin ito. Kung sa tingin nila ay walang kayong dokumento o karapat-dapat para sa removal (deportasyon) mula sa Estados Unidos, maaari nila kayong i-detain.
Sa ilang mga kaso, kailangang i-detain ng mga opisyal ng ICE ang isang tao. Halimbawa, kung mayroon silang mga kasong kriminal o kung nahuli sila habang pumapasok sa US.